Paano personal na magpapadala ng pera mula sa Pilipinas sa isang MoneyGram agent location
Sa humigit-kumulang na 350,000 agent locations sa buong mundo, madali nang magpadala ng pera mula sa aming mga partners na malapit sa iyo.
1. Maghanap ng lokasyon
Maghanap ng lokasyon ng MoneyGram agent na malapit sa iyo
2. Maghanda para sa pagpunta sa agent
Dalhin ang mga sumusunod na impormasyon:
- Para sa lahat ng pagpapadala:
- Ang iyong I.D.* kung saan naaangkop
- Ang buong pangalan ng tatanggap ng padala, na tumutugma sa kanyang I.D. at kanyang lokasyon
- Ang halagang gusto mong ipadala, at ang mga kaukulang singil
- Kung magpapadala sa isang account sa bangko, kailangan mo rin ang pangalan ng bangko at account number ng tatanggap
- Kung magpapadala sa isang mobile wallet, kailangan mo rin ang numero ng cellphone ng tatanggap ng iyong padala, kasama ang internasyonal na dial code
3. Kumpletuhin ang iyong transaksiyon
Kung saan naaangkop, kumpletuhin ang form sa pagpapadala. Ibigay sa agent ang nakumpletong form at ang ipapadalang pera, (kasama ang mga kaukulang bayad para sa transaksiyon)
4. Abisuhan ang iyong tatanggap
Itabi ang inyong resibo at ipadala ang 8-digit na reference number sa tatanggap in inyong padala, para ito ay matanggap. Ang mga pera na ipinadala sa isang account sa bangko o mobile wallet ay direktang idedeposito sa kanilang account.
*I.D. na inisyu ng gobyerno, tulad ng Driver's license, SSS, o Pasaporte ng Pilipinas atbp.