Paano personal na magpapadala ng pera sa isang account sa bangko
Para sa hassle-free at madaling pagtanggap ng inyong remittance sa inyong mga mahal, maari kayong magpadala ng pera direkta sa kanilang mga bank account Ang MoneyGram ay may higit na 400 bangk partners sa buong mundo.
1. Maghanap ng lokasyon
Maghanap ng lokasyon ng MoneyGram agent sa Pilipinas
2. Maghanda para sa iyong pagpunta sa agent
Dalhin ang mga sumusunod na impormasyon:
- Ang iyong I.D.1 kung saan naaangkop
- Ang buong pangalan ng iyong tatanggap na tumutugma sa kanyang I.D., pangalan ng bangko at numero ng account2
- Lokasyon ng tatanggap
- Ang halagang gusto mong ipadala, at ang mga singil
3. Kumpletuhin ang iyong transaksiyon
Kung saan naaangkop, kumpletuhin ang form sa pagpapadala. Ibigay sa agent ang nakumpletong form at ang ipapadalang pera, (kasama ang mga kaukulang bayad para sa transaksiyon)
4. Abisuhan ang iyong tatanggap
Itabi ang iyong resibo at ibahagi ang 8-digit na reference number sa iyong tatanggap. Direktang idedeposito ang mga pera sa kanyang account.
1 I.D. na inisyu ng gobyerno, tulad ng Driver's license, SSS, o Pasaporte ng Pilipinas atbp.
2 Pakitandaan: iba-iba ang mga detalye ng account sa bawat bansa, ang ilan ay nangangailangan ng karagdagang impormasyon.