Paano magpadala ng pera sa isang mobile wallet
Ang MoneyGram ay naghahandog ng serbisyo sa mga M-Pesa account sa Kenya, Tanzania at Romania gayundin ang Econet sa Zimbabwe. Maaari kang magpadala sa mga mobile wallet sa ilang simpleng hakbang lang.
1. Maghanap ng lokasyon
Maghanap ng lokasyon ng MoneyGram agent sa Pilipinas
2. Maghanda para sa iyong pagpunta sa agent
Dalhin ang mga sumusunod na impormasyon:
- Ang iyong I.D.* kung saan naaangkop
- Ang buong pangalan ng iyong tatanggap na tumutugma sa kanyang I.D. at numero ng cellphone kasama ang internasyonal na dial code
- Ang halagang gusto mong ipadala, at ang mga singil
3. Kumpletuhin ang iyong transaksiyon
Kung saan naaangkop, kumpletuhin ang form sa pagpapadala. Ibigay sa agent ang nakumpletong form at ang ipapadalang pera, (kasama ang mga kaukulang bayad para satransaksiyon)
4. Abisuhan ang iyong tatanggap
Itabi ang iyong resibo at ibahagi ang 8-digit na reference number sa iyong tatanggap. Direktang idedeposito ang mga pera sa kanyang mobile wallet.
* I.D. na inisyu ng gobyerno, tulad ng Driver's license, SSS, o Pasaporte ng Pilipinas atbp.